iTo aY iSaNg SiTe PaRa sA kLaSeNg UbOd NaNg PaSaWay

Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, College of Management & Entrepreneurship, Major in Management, Batch 2001 to 2005

2001  MAKE MY SITE YOUR HOMEPAGE 2005

if you click 'yes', ang site na 'to ang pinaka una mong makikita tuwing bubuksan mo ang internet browser nyo



Friday, May 13, 2005

PANIBAGONG YUGTO NG PAGHIHINTAY



Tapos na ang panahon natin ng pag-aaral. Tapos na rin ang paghihintay natin na makuha ang ating diploma. Tapos na ang panahon ng pagbibigay ng baon/allowance sa tin ng mga magulang natin. Tapos na rin ang maraming panahon ng pakikipagtalo natin sa kanila para taasan / dagdagan nila ang binibigay nila sa ting pera para naman may pang-gimik tayo or pang-shopping or pang-Ragnarok or pang-internet-surfing or pang-load ng cellphone.. Magkagayun man, hindi pa rin tapos ang ating paghihintay..

Marami-raming panahon pa ang kelangang gugulin natin sa paghahanap ng trabaho lalo na kung ikaw ay "one of the common people", that is hindi genius pero mas lalong hindi idiot. Mahabang paghihintay rin ang kelangan mong pagtyagaang gawin at mga oras na kelangan mong sayangin para makuha mo ang Transcript of Records (TOR) mo mula sa Registrar's Office ng dating skul mo. Kelangang pumila ka ng sobra-sobrang haba para makakuha ng NBI Clearance na kadalasang hinahanap ng mga private companies sa mga applicants nila (hindi na kasi ga'nong uubra ang School ID mo dahil nga graduate ka na). Mas lalo tayong magdurusa kung wala pa tayong naitatabing Birth Certificate or kung wala pa rin tayong NBI Cleafrance dahil sila ang mga pangunahing requirements para sa pagkuha ng Social Security Number na magsisilbing National Identification Number mo in case of emergency (tulad ng nangyari sa movie Deep Impact).

Sa Manila City Hall, nagsimula akong pumila nung 8:30 AM para sa isang "certified photocopy" ng Birth Certificate ko. Inabot ako ng lunch-break sa pila (11:30 AM) at pinabalik ng 2:00 PM, kaya ganun naman ang ginawa ko. Pero ang nangyari, naging 4:07 PM ang dapat na alas dos ng hapon, kasi masyado "raw" maraming tao. Hindi na rin ako maka-angal nun dahil marami nga naman talagang tao. At ngayon, wala pa rin akong mapasukang big-time job interview dahil hindi pa ipinapanganak ang pinaka-mamahal kong TOR.


       "Kahit True Copy of Grades (TCG) na lang muna ang ipakita mo sa min miss pagbalik mo dito," sabi nung isang HR Person sa isang medyo big-time private company.
       Dahil sa excited ako, sugod naman ako pabalik sa skul para makakuha kahit TCG lang.
       "Sori, miss! Hindi na kami nag-iissue ng TCG sa mga naka-graduate na. Dagdag trabaho lang po kasi sa min yun e. Pwede nyo naman pong hintayin na lang yung TOR nyo, di ba?" sabi sa Registrar's Office.
       "Kelan po ba lalabas yun TOR namin, ma'am?" tanong ko naman.
       "Sa July pa po or September," sagot nya. "Inuuna pa po kasi namin yung mga nagba-Bar e, pati yung mga magse-second course."


O di ba ang galing! Buti na lang at umattend ako nung graduation ceremony namin.. kundi, pati diploma ko e hihintayin kong maipanganak ng university ko. Ngayon, hindi ako makabalik-balik sa pinag-aaplyan kong yun at hindi pa rin ako makapag-apply sa iba dahil nga wala pa akong TOR or kahit TCG man lang. Pero kahit ganon, mahal ko pa rin ang Pamantasan kasi kundi dahil sa kanya e hindi ako mapapabilang sa mga hanay ng mga mamamayang Filipino na nakapag tapos ng pag-aaral. Ang medyo talagang ikinasasama ko ng loob ay dahil hindi ako makapag-apply sa mga kumpanyang gusto kong pasukan dahil sa mabagal na sistema ng mahal kong Pamantasan..

Kelangan ko pa ring maghintay, dahil yun lang sa palagay ko ang pwedeng ko magawa.. Wala naman akong super powers para pabilisin ang takbo ng mga bagay-bagay e..